Curry pinaulanan ng tres ang 76ers

Ginawang asintahan ni Stephen Curry ng Golden State Warriors si Eric Gordon ng Philadelphia 76ers.
STAR/ File

SAN FRANCISCO - Nagbagsak si Stephen Curry ng 30 points tampok ang perpektong 8-of-8 shooting sa three-point range para gabayan ang Gol­den State Warriors sa 139-105 paglamog sa Phi­ladelphia 76ers.

May 24 points na si Curry sa halftime matapos ang 6-of-6 clip sa 3-point line para sa Warriors (17-16).

Nagdagdag si Jonathan Kuminga ng 20 points mula sa bench.

Binanderahan ni Joel Embiid ang 76ers (13-19) sa kanyang 28 points at 14 rebounds.

Naglaro si Curry na may right thumb sprain, ha­bang may left foot sprain naman si Embiid.

“Sometimes when you have a little injury or something that’s random, it kind of forces you to focus a little bit. And just be free. I was just happy that I got to play,” sabi ni Curry.

Inilista ng Golden State ang 35-19 kalamangan ma­tapos ang first quarter at ipinoste ang 25-point lead sa pagsasara ng third quarter.

Ang dalawang sunod na triples ni Curry sa kaagahan ng fourth period ang lalo pang nagbaon sa Ph­ila­delphia sa 30-point deficit.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng 76ers ma­tapos maglista ng isang four-game winning streak.

Sa Minneapolis, kumo­l­ekta si Jayson Tatum ng 33 points, 9 assists at 8 re­bounds sa 118-115 pagta­kas ng nagdedepensang Boston Celtics (25-9) sa Minnesota Timberwolves (17-16).

Sa Los Angeles, nagsalpak si LeBron James ng 38 points at naglista si Max Christie ng career-high 28 marers sa 114-106 panalo ng Lakers (19-14) sa Portland Trail Blazers (11-22).

Sa Milwaukee, umiskor si Cam Johnson ng 26 points, habang may 24 mar­kers si Cam Thomas sa 113-110 pagtakas ng Brooklyn Nets (13-21) sa Bucks (17-15).

Sa Oklahoma City, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points sa 116-98 pagpapatumba ng Thunder (28-5) sa Los Angeles Clippers (19-15).

Sa Miami, tumipa si Ty­rese Haliburton ng 33 points at 15 assists at may 21 markers si center Myles Tur­ner sa 128-115 pagpapalamig ng Indiana Pacers (17-18) sa Heat (17-15).

Show comments