^

PSN Palaro

Pablo nagparamdam ng lakas sa Petro Gazz

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pablo nagparamdam ng lakas sa Petro Gazz
Ilang buwan naupo sa bench ng Gazz Angels ang two-time PVL Most Valuable Player, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asang muling makalaro.
PVL image

MANILA, Philippines — Kung hindi pa nagkaroon si regular starter Jonah Sabete ng isang strained left calf injury ay hindi gagamitin ni Japanese coach Koji Tsuzurabara si Myla Pablo sa huling tatlong laro ng Petro Gazz sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Ilang buwan naupo sa bench ng Gazz Angels ang two-time PVL Most Valuable Player, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asang muling makalaro.

“Sabi ko nga kung ‘di ako nagamit noong last two conferences, kailangan makabawi ako this All-Filipino for the management na rin and sa mga taong sumusuporta sa akin,” ani Pablo.

Nasa isang four-game winning streak ngayon ang Petro Gazz matapos talunin ang Farm Fresh, Akari, PLDT Home Fibr at Cignal HD noong Sabado.

Unang tinapik ni Tsuzurabara ang 31-anyos na outside hitter noong Nobyembre 23 kontra sa Foxies kung saan siya nag-ambag ng puntos para sa panalo ng Gazz Angels.

Humataw si Pablo ng 15 points sa kanilang 25-19, 25-21, 25-18 pagwalis sa HD Spikers.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with