Lyceum kinumpleto ang Final Four

Tumirada si Lyceum Pirates rookie Jonathan Daileg kontra sa isang St. Benilde Blazers defender.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Lyceum of the Philippines University ang College of St. Benilde, 82-81, para sikwatin ang ika­­apat at huling tiket sa NCAA Season 100 Final Four men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tinapos ng Pirates ang kampanya sa 10-8 tampok ang four-game winning streak para upuan ang No. 4 seat sa Final Four.

Posible namang madu­las ang Blazers (14-4) sa No. 2 spot sa Final Four kung mananalo ang Ma­pua Cardinals (14-3) sa si­bak nang Arellano Chiefs (7-10) ngayong alas-11 ng umaga sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sakali namang magta­pos na may parehong 14-4 baraha ang St. Benilde at Mapua ay mapapasakamay ng Taft-based team ang No. 1 berth dahil sa higher quotient at lalabanan ang Lyceum sa Final Four.

Bumanat si Ato Barba ng game-high 27 points para sa ikalawang sunod na semifinals appearance ng Pirates.

“I’m very proud and happy for my players for gi­ving their best,” wika ni Ly­ceum coach Gilbert Ma­labanan.

Nakadikit ang St. Benilde sa 81-82, ngunit mintis ang bonus free throw ni star center Allen Liwag.

Samantala, tinalo ng EAC ang Jose Rizal, 73-66.

Show comments