TNT didikit sa PBA crown

MANILA, Philippines — Ngayong gabi ay lalo pang ibabaon ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa hukay ang Barangay Ginebra.

Hawak ang 2-0 lead, lalapit ang Tropang Giga sa korona sa pagsagupa sa Gin Kings sa alas-7:30 ng gabi sa Game Three ng Season 49 PBA Governors’ Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin ng TNT ang Games One, 104-88, at Game Two, 96-84, sa kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra.

Maliban sa mala-pader na depensa ay naging susi rin ng Tropang Giga sa paggupo sa Gin Kings ang kanilang matinik na three-point shooting.

“It was basically a shift in the mindset because in the Asian Games, they forced me to shoot a lot of threes, and they beat us for the gold medal,” ani TNT import Rondae Hollis-Jefferson na pinabayaan ng Ginebra na tumira sa 3-point line.

Nagsalpak si Hollis-Jefferson ng career-high na anim na triples para tumapos na may 37 points sa Game Two.

Si Hollis-Jefferson ang naturalized player ng Jordan na tinalo ni naturalized guard Justin Brownlee at ng Gilas Pilipinas ni Gin Kings’ coach Tim Cone para sa gold medal sa 2023 Asian Games.

Sa Game One ay kumonekta ang TNT ng triples kumpara sa dalawa ng Ginebra at sa Game Two ay nagsalpak ang PLDT franchise ng 14 tres kontra sa pito ng SMC franchise.

“We take what the opportunities are in front of us. If they play us a certain way, then we take the pe­netration and drive. If they cover that, we make sure that we take the next best open shot,” wika ni coach Chot Reyes.

Inamin na Cone na mas maganda ang naging game plan ni Reyes para sa Tropang Giga.

“We’ll figure out, figure out what’s going on, but right now I’m just being totally outcoached,” wika ni Cone sa Gin Kings.

Kailangang makaba­ngon sa hukay ang Ginebra para makaiwas sa posibleng series sweep sa kanila ng TNT na hangad ang ika-11 titulo sa pang-23 finals appearance.

Show comments