^

PSN Palaro

Blazers diretso sa Final Four

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ng College of St. Benilde ang unang Final Four berth matapos gibain ang University of Perpetual Help System DALTA, 61-56, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ang ikaanim na sunod na panalo ng Blazers ang lalo pang nag-angat sa kanila sa team standings bitbit ang 12-2 record papasok sa Final Four.

Humakot si Justine Sanchez ng 16 points, 6 rebounds at 2 assists habang may 10 markers at 6 boards si center Allen Liwag.

“Expected ko na pahi­rap na ng pahirap iyong laban, dikdikan ng dikdikan. Kung sino iyong may puso siya iyong mananalo sa game,” sabi ni Sanchez.

Bagsak ang Altas sa 6-10 baraha kasama ang two-game losing skid.

Kaagad kinuha ng St. Benilde ang 16-point lead, 38-22, sa halftime bago nakalapit ang Perpetual sa 53-59 agwat sa huling minuto ng fourth quarter.

Ang krusyal na salaksak ni Sanchez sa huling 43.2 segundo ng bakbakan ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Blazers.

Pinamunuan ni Christian Pagaran ang Altas sa kanyang 18 points habang may 15 markers si rookie Mark Gojo Cruz.

Samantala, pinalakas ng Emilio Aguinaldo College ang tsansa sa Final Four matapos patumbahin ang Colegio de San Juan de Letran, 68-58.

Naglista si Harvey Pagsanjan ng 13 points, 5 assists at 3 rebounds para sa 7-7 kartada ng Generals at solohin ang fourth spot habang may 10 markers si Kyle Ochavo.

Nadulas ang Knights sa fifth place sa kanilang ikalawang dikit na kabiguan para sa 7-8 marka.

Tumapos si top scorer Jimboy Estrada na may 10 points para sa Letran na ibinaon ng EAC sa 68-53 mula sa drive ni Axel Doromal sa huling 2:56 minuto ng fourth quarter.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with