^

PSN Palaro

TNT uli sa Game 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT uli sa Game 2
Ang mala-pader na pagbabantay ni TNT import Rondae Hollis-Jefferson kay Justin Brownlee ng Ginebra sa Game 2.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Muing ginamit ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang kanilang depensa para itayo ang 2-0 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup Finals.

Kumolekta si import Rondae Hollis-Jefferson ng 37 points, 13 rebounds at 7 assists para gabayan ang Tropang Giga sa 96-84 pagdispatsa sa Ginebra Gin Kings sa Game Two ng kanilang championship series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang inangkin ng TNT ang Game One, 104-88, para ikasa ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Ginebra.

Umarangkada ang Tropang Giga sa fourth quarter para ilista ang 91-81 abante sa huling 3:25 minuto ga­ling sa three-point shot ni Hollis-Jefferson matapos dumikit ang Gin Kings sa 77-83.

Kumpara sa Game One ay naging agresibo sa opensa at depensa ang Gin Kings para itayo ang isang 10-point lead, 21-11, bago humataw ang TNT ng 19-4 atake sa likod ni Hollis-Jefferson at agawin ang 30-25 bentahe sa 8:26 minuto ng second period.

Ang triple ni Calvin Oftana ang nagbigay sa Tropang Giga ng 46-37 kalamangan sa Gin Kings sa huling 1:41 minuto bago ang halftime.

Bukod kay RHJ, nakahugot rin si coach Chot Reyes ng kontribusyon kay Glenn Khobuntin na umiskor ng 10 points sa first half kasama ang dalawang tres.

Samantala, tuluyan nang nagretiro si Meralco import Allen Durham na bigong mabigyan ng PBA crown ang Bolts sa kanyang limang beses na pag­lalaro sa prangkisa.

Nakatakdang umuwi sa America ang 36-anyos na three-time PBA Best Import ngayong araw para makapiling ang kanyang pamilya.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with