La Salle, UE laglagan sa SSL quarterfinals bonus

MANILA, Philippines — Magkakaldagan ang De La Salle University at University of the East upang lumapit sa inaasam na quarterfinals twice-to-beat advantage sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-sea­son Championship na la­laruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.

Magsisimula ang banatan sa pagitan ng DLSU at UE sa Pool E match sa alas-2 ng hapon, pareho nilang sasandalan ang second round opening day victories sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea and Summit Water.

Magsasagupa sa alas-11 ng umaga ang University of Santo Tomas at Far Eastern University habang maghaharap ang Ateneo de Manila University at  University of the Philippines sa alas-5 ng hapon.

Binarog ng La Salle ang defending champions National University, 32-30, 14-25, 25-22, 25-21 sa huling laro sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Sinandalan ng Lady Spikers sina super duo Angel Canino at Shevana Laput nang kalusin nila ang three-peat-seeking Lady Bulldogs sa unang SSL meeting sapul noong 2022 winner-take-all title match.

Kaya asahang ibabangga muli ng DLSU sina Canino at Laput kontra  sa Lady Warriors.

Winalis ng Lady Warriors ang reigning NCAA champion College of Saint Benilde, 25-19, 25-18, 25-23 sa huling laro.

Show comments