Chua umentra sa round-of-16

MANILA, Philippines —  Umentra sa round-of-16 si Pinoy cue artist Johann “Bubwit” Chua matapos tumbukin ang dalawang sunod na panalo sa 2024 Hanoi Open Pool Championship kahapon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium, Vietnam.

Pinatalsik ng World Cup of Pool winner na si Chua ang kababayang si Jundel Mazon, 10-7, sa race-to-10, round-of-64 knockout bago isinunod si Chien Ching Ju ng Taiwan, 10-2, sa Last 32.

Sunod na makakalaban ni Chua ang Pinoy ding si Jefrey Ignacio na kinaldag si Jerson Cumayas, 10-9.

Sumampa rin sa susunod na phase ng event na may nakalatag na $200,000 prize fund at ikakalat sa top 96 players si James Aranas na tinalo si Taiwanese Chang Yu Lung, 10-8.

Show comments