E-Painters, Hotshots unahan sa semis spot

Muling aasahan ng Magnolia si import Jabari Bird kontra sa Rain or Shine sa Game Five.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isa lamang sa Rain or Shine at Magnolia ang pa­pasok sa best-of-seven se­mifinals series ng Season 49 PBA Governors’ Cup.

Maghaharap sa huling pag­kakataon ang Elasto Painters at Hotshots nga­yong alas-7:30 ng gabi sa Game Five ng kanilang quar­terfinals showdown sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tabla sa 2-2 ang best-of-five duel ng Rain or Shine at Magnolia kung saan ang mananalo ang sa­sagupa sa nagdedepen­sang TNT Tropang Giga, winalis ang NLEX sa kanilang quarterfinals war sa 3-0, sa semifinals sa susunod na linggo.

Kinuha ng Elasto Pain­ters ang Game One, 109-105, bago nakatabla ang Hotshots sa Game Two, 121-69.

Niresbakan ng Rain or Shine ang Magnolia sa Game Three via overtime, 111-106, habang inagaw ng huli ang Game Four, 129-100, para ikasa ang ‘do-or-die’ Game Five.

“Iyong experience of pla­ying a Game 5, of being in a winner-take-all si­tu­ation, sa akin, kasama na ng build up ‘yun,” ani Elasto Painters’ coach Yeng Guiao. “ We’re always getting better every playoff game that we played.”

Hindi naman dapat bumitaw ang Hotshots mula umpisa hanggang sa huling segundo ng laro, ayon kay mentor Chito Vic­tolero.

“In order for us to win the war, we need to grind for 53 minutes. I think my players were so focused and they wanted to have another chance,” wika nito.

Show comments