Lady Altas pinadapa ng Lady Warriors sa SSL

Pinigilan ni Riza Nograles ng Lady Warriors ang hataw ni Joyce Uy ng Lady Altas.
SSL photo

MANILA, Philippines — Sinalto kaagad ni Ca­siey Dongallo at ng Univer­sity of the East ang unang laro ng University of Perpe­tual Help System DALTA matapos ang 25-17, 25-20, 25-15 panalo sa 2024 Sha­key’s Super League Colle­giate Pre-season Cham­pionship kahapon sa Rizal Me­morial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Bumawi si Dongallo ma­tapos ang tahimik na per­formance sa nakaraang laban nila at tumikada ng 11 points mula sa 10 attacks at isang service ace para tu­lungan ang UE na ilista ang ikalawang panalo at manatili sa tuktok ng team standings sa Pool B.

Umiskor si Dongallo ng pito sa third frame kasama ang lima sa 8-0 blitz ng La­dy Warriors’ 8-0 blitz para uma­lagwa sa 10, 21-11 sa torneo na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Lo­gistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Mas maganda ang ipi­nakita ng UE sa kanilang floor defense kumpara sa naunang four-set win nila la­ban sa Lyce­um.

Kumana si Cyrill Alema­niana ng 11 points para sa panig ng Lady Altas.

Sa ikalawang laro, pina­dapa ng Arellano University ang San Beda University, 25-19, 22-25, 20-25, 25-10, 15-6, para sa kanilang 2-0 re­cord sa Pool A.

Show comments