^

PSN Palaro

Letran problemado agad

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa man din nagsisimula ang NCAA Season 100 ay problemado na agad ang Colegio de San Juan de Letran ito’y dahil may posibilidad na hindi makapaglaro agad ang kanilang pambatong si veteran big man Pao Javillonar.

Maugong na papatawan ng three-game suspension si team captain Javillonar dahil sa paglaro nito sa PBA ballclub Converge sa naganap na 39th Kadayawan Festival noong Hulyo.

Napiling No. 19 overall ng FiberXers sa nakaraang PBA draft si Javillonar, sumulat ang Knights sa ManCom kung saan ay ina-apela nila na gawin lamang na isang game ang parusa.

Habang hinihintay pa ni Javillonar at ng Knights ang desisyon ng mana­gement committee, naka­tutok at naka-pokus ang Intramuros-based squad sa kanilang unang game sa Linggo kontra San Sebastian College-Recoletos.

Sakaling mananatili ang tatlong parusa kay Javillonar ay tiyak na hindi siya makakalaro kontra San Sebastian, JRU at Arellano.

Samantala, sasabak agad ang defending champions San Beda University kontra Lyceum of the Philippines sa Sabado ng alas-2:30 ng hapon.

Sunod ang bakbakan sa pagitan ng Mapua University at College of Saint Benilde sa alas-5 ng hapon.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with