^

PSN Palaro

Negrito gumagawa ng sariling pangalan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Negrito gumagawa ng sariling pangalan
Kyle Negrito.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Dati ay nasa reserve list lang si Kyle Negrito bilang setter ng Creamline dahil sa presensiya ni veteran playmaker Jia Morado-De Guzman.

Ngunit pinatunayan ni Negrito na may ibubuga ito.

Sa katunayan, dinala ni Negrito ang Cool Sma­shers sa Grand Slam kabilang na ang kampeonato sa katatapos na PVL Invitational Conference.

Kaya naman nasungkit ni Negrito ang Best Setter award kasama pa ang Finals MVP award.

Masaya si Negrito na nagbubunga na ang pagsi­sikap nito.

Subalit iginiit nito na mas nakasentro ang ka­nilang atensiyon sa kam­peo­nato sa halip na indivi­dual awards.

“Ang focus talaga namin this conferences yung mag-champion. ‘Yan talaga ang goal namin. Yung makakuha ng ganitong award, bonus lang talaga,” ani Negrito.

Maraming bashers si Negrito sa social media dahil madalas itong ikinukumpara kay Morado-De Guzman.

May pagkakataon na ilang miscues ang nagagawa nito sa plays ng Cool Smashers dahilan para mahirapang mag-adjust ang ilang spikers ng koponan.

Pero hindi naging hadlang para kay Negrito ang mga bashers.

Sa halip, naging ins­piras­yon ito upang patuna­yan na kaya nitong dalhin ang kanilang koponan sa kampeonato.

Kaya naman ‘dedma’ lang si Negrito sa mga ba­shers.

“Sabi ni coach dedma lang. Yung mga kasama ko lang din talaga ang pinag­hahawakan ko, ibinabalik ko lang yung mga tiwalang ibinibigay nila sa akin,” ani Negrito.

vuukle comment

KYLE NEGRITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with