Patse-patse

Naging mainit na issue sa Paris Olympics ang nangyari sa dalawang female golfers natin – si Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.

Tungkol sa uniform. Actually, dahil wala silang uniform.

Sila lang sa lahat ng sumali ang walang uniform. Mahaba ang explanation ng golf official. Hindi daw pumasa sa Olympics ang dalang uniform dahil sa restrictions at ang replacement naman, na-hold naman sa Customs.

Golf uniforms lang, t-shirt, cap at shorts, palda o pantalon na may Philippine flag, naging problema pa. Mabuti sana kung pagdala ng kabayo sa equestrian ang naging problema eh.

Kaya sa haba ng explanation ng golf official, para lang niya binuhusan ng gas ang apoy.

Kung ako ‘yun, simple lang: Sorry po. Our fault.

Ang nangyari tuloy, kanya-kanyang t-shirts si B­ianca at Dottie. Nag-video pa si Dottie na gumagamit ng double tape para magdikit ng Philippine flag sa dibdib.

Kaso, sa kalagitnaan ng laro, natatanggal ang dikit. Samantala yung ibang players, ang gaganda ng uniforms. Burdado ang flag.

Dehins nag-medal ang golfers natin. Pero lumaban. Muntik pa mag-bronze si Bianca.

Bumaha ng negative comments against the golf official ang mga posts ni Dottie. Tagos sa buto ang iba.

Ang sabi ni Dottie, nagmukha silang busabos sa Paris.

Sana, ‘wag nang maulit muli.

Show comments