^

PSN Palaro

PAI National Trials lalarga na

Philstar.com
PAI National Trials lalarga na
Pinangunahan ni PAI president Batangas 1st District Congressman Eric Buhain (gitna) ang panunumpa sa puwesto ng mga bagong halal na opisyal ng PAI Region 13 (Caraga) sa pangunguna ng pangulong si Dick Victor Carmona. Si Carmona ang National Exexcutive Vice OPresident ng PBMLP Caraga.

MANILA, Philippines – Tutuparin ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang pangarap ng mga batang atleta na maging bahagi ng national team at makalangoy sa Olympic Games.

“Ipagpapatuloy natin ang laban sa Olympics. Ang bawat manlalangoy na lumalaban ngayon ay tiyak na nangangarap hindi lamang mapabilang sa pambansang koponan kundi ang pagkakataong maging susunod na kampeon sa Olympics,” ani PAI sec gen at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

Pakakawalan ng PAI ang National Trials simula ngayong araw ang 50 meters (long course) at 25 meters (short course) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

“Pinatunayan ni Carlos Yulo na maaari kang magsimula ng kaunti ngunit magtapos ng malaki sa sports. Kaya tiyak na ginagamit namin si Caloy bilang inspirasyon sa aming kaganapan at sa aming mga batang kalahok,” dagdag ng Sports Hall of Famer

Ang National Trials na itinataguyod ng Speedo at ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tinaguriang pinakamahirap para sa PAI na naglalayon na muling buhayin ang swimming bilang "the Philippine pool of champions" tulad nina Teofilo Yldefonso, Buhain at Akiko Thomson.

“The Olympic gold is way, way out there, but it's not mission impossible. We will do it step by step, Southeast Asian, Asian Games, World Championships, mahaba ang kurso oo, pero maaabot ang goal na iyon,” dagdag ni Buhain na ipinaalala sa lahat na ang national trials ay kabilang sa ilalim ng bagong PAI data-based ranking system.

Magsisimula ang data-based rankings system ng PAI sa national trials.

Ang national trials ay magiging batayan para sa pagpili ng mga miyembro ng Philippine Team na lalahok sa 2024 World Aquatics World Cup series (25-meter short course), sa 46th Southeast Asian Age Group Championships at sa 2025 World Aquatics Championships sa Singapore (50-meter-long course).

Ang World Series ay binubuo ng kompetisyon sa Oktubre 18-20 (Serye 1) sa Shanghai, China; Serye 2 sa Oktubre 24-26 sa Incheon, South Korea; at Series 3 nsa Oktubre 31 hanggang Nob. 2 sa Singapore.

Ang serye ay magtatapos sa Championships sa Disyembre 10-15 sa Budapest, Hungary, habang ang 46th SEA  Age Group ay nakatakda sa Disyembre 6-8 sa Bangkok, Thailand.

Babanderahan nina Paris Olympian Fil-Canadian Kayla Sanchez at Fil-American Jarod Hatch ang mga listahan ng foreign-based hopefuls kabilang ang World Championships veteran at 2019 Manila SEA Games champion Fil-Am Chloe Isleta; Vietnam-based Fil-Briton Heather White, bronze medalist sa Asian Age-Group championship noong Pebrero sa New Clark City; at Fil-American na si Teia Salvino, ang 2023 Cambodia Southeast Asian Games gold medal winner.

SWIMMING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->