^

PSN Palaro

Sarno reresbak sa Los Angeles Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kampanya sa Paris Olympics, desidido si Vanessa Sarno na makaresbak sa 2028 edisyon ng Olympics na idaraos sa Los Angeles, California.

Hindi pinalad si Sarno na makapag-uwi ng me­dalya sa Paris Games ma­tapos maagang mama­alam sa kontensiyon sa women’s 71kg class.

Bigo si Sarno na mabuhat ang 100 kg. sa snatch pa lamang.

Tatlong beses sumubok si Sarno.

Subalit hindi nito nakayanan ang naturang timbang dahilan para maaga itong masibak at hindi na makapagpatuloy pa sa clean and jerk.

Masaklap na kampan­ya ito para kay Sarno na hawak ang Philippine national record na 110 kg.

Aminado si Sarno na may pinagdadaanan ito bago sumabak sa Paris Games.

“Hindi naman po na-pressure. Frustrations po siya sa lahat ng mga taong nakapaligid sa amin kasi sobrang toxic ng environment. Pangit po kapag ganun ang environment while preparing for the Olympics,” ani Sarno.

Hindi handa si Sarno sa mga usaping mental sa edad na 20-anyos.

“Aminado po ako na naging mahina po ang mentality ko pagdating sa mga tao na nasa paligid ko po na sobrang toxic,” ani Sarno.

Kaya naman gagawin nito ang lahat upang muling makabalik sa Olympics at ipakita ang kanyang husay.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with