^

PSN Palaro

Hidilyn, Caloy reunited sa Paris

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn, Caloy reunited sa Paris
Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagpakuha ng litrato si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino kina weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo, nagreyna sa 2021 Tokyo Olympics para sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa, at gymnast Carlos Yulo, ang double-gold winner sa 2024 Paris Games, habang nasa background ang Eiffel Tower at La Seine. Walang makakapagsabi kung kailan ito muling mangyayari.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagkita ang dalawang Olympic gold medalist na sina Hidilyn Diaz at Carlos Edriel Yulo sa Paris upang i-celebrate ang tagumpay ng Team Philippines.

Nagpakuha ng larawan sina Diaz at Yulo sa kilalang landmark sa Paris na Eiffel Tower kung saan ipinakita ng huli ang kaniyang dalawang gintong napanalunan sa gymnastics.

Inamin ni Yulo na malaki ang naging parte ni Diaz sa kaniyang laban sa Olympics.

Sinabi nitong nagsilbing inspirasyon ni Yulo si Diaz para maabot ang inaasam na tagumpay matapos ang kaniyang bigong kampanya noong 2021 Tokyo Olympics.

Matatandaang may isang larawan na lumabas sa social media kung saan ipinahawak ni Diaz kaya Yulo ang kaniyang gold medal na napanalunan noon sa Tokyo.

Ito ang naging motibasyon ni Yulo para mas lalong magsikap at magta­gumpay sa kanyang laban.

At naisakatuparan ito ni Yulo nang mamayagpag ito sa men’s floor exercise at men’s vault.

“Talagang dala ko parati yung motivation and inspiration from ate HIdilyn kapag lumalaban ako. Sobrang worth it po lahat ng pagsisikap ko sa training,” ani Yulo.

Proud naman si Diaz sa tinatamasang tagumpay ni Yulo na itinuturing nitong nakababatang kapatid.

“Alam ko ang mga sak­ripisyo niya at pinagdaanan niya kaya sobrang proud ako sa kaniya,” ani Diaz.

Nagpost si Diaz ng larawan nito sa social media kasama si Yulo.

May larawan din na lumabas kasama nina Diaz at Yulo si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Habang naghihintay ng pagbabalik sa Pilipinas, ini-enjoy muna ni Yulo ang kaniyang free time sa Paris.

Nagpunta pa ito sa Paris Disneyland kasama ang girlfriend nitong si Chloe San Jose.

vuukle comment

OLYMPIC GOLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with