^

PSN Palaro

Team USA kakasa sa France para sa Olympic gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Team USA kakasa sa France para sa Olympic gold
Coach Steve Kerr.
Jason Miller / Getty Images North America / AFP

MANILA, Philippines —  Bumalikwas ang Team USA mula sa isang 17-point deficit sa second period para sibakin ang Serbia, 93-89, sa semifinals papasok sa gold medal round ng 2024 Olympic Games kahapon dito sa Bercy Arena.

Bumanat ang mga Americans ng 32-15 atake sa fourth quarter para talunin ang si Nikola Jokic at ang mga Serbians.

Nagtuwang sa arangkada ng koponan ni coach Steve Kerr sina LeBron James, Steph Curry, Joel Embiid at Kevin Durant na umiskor ng pinagsamang 29 points.

Tumapos si Curry na may 36 points tampok ang siyam na triples, habang tumipa si James ng 16 points, 12 rebounds at 10 assists para maging unang player na naglista ng dalawang Olympic triple-doubles.

Una siyang nagposte ng 11 points, 14 rebounds at 12 assists laban sa Australia sa 2012 London edition.

Lalabanan ng Team USA si Victor Wembanyama at ang France, nagpatalsik sa FIBA World Cup champions Germany, 73-69, sa isa pang semis match para pag-agawan ang Olympic gold.

Nakatakda ang duwelo bukas ng alas-3:30 ng hapon (Manila time).

vuukle comment

TEAM USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with