^

PSN Palaro

Pacquiao babalik sa pro boxing

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sunod na sesentro ang atensiyon ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang professional fight na posibleng maganap sa huling bahagi ng taon.

Mismong si Pacquiao ang nagkumpirma na sasalang ito sa totoong boxing fight matapos ang exhibition match nito kay Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo na nauwi sa draw sa Saitama Super Arena sa Japan.

“(I would) fight in a real fight this year,” ani Pacquiao.

Bigo ang Pinoy champion na mapatumba ang Japanese pug nang magdesisyon ang mga hurado na ipataw ang draw matapos anhg tatlong rounds ng bakbakan.

Matinding bakbakan ang agad na bumungad sa pagsisimula pa lamang ng laban.

Ngunit hindi napatumba ni Pacquiao si Anpo.

Aminado si Pacquiao na wala ito sa kaniyang 100 porsiyento.

“I’m okay. I am about 60 percent,” aniya.

Disyamado ang mga nanood sa punung-punong Saitama Arena.

Para kay Anpo, hindi nito naramdaman ang bagsik ng kamao ni Pacquiao.

“I didn’t really feel like Pacquiao’s punches were too heavy. They were all within my expectations,” ani Anpo.

Posibleng ito ang warmup ni Pacquiao sa posibleng pagbabalik nito sa professional boxing.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with