LOS ANGELES — Isang dating NBA Most Valuable Player ang makakasama nina Nikola Jokic at Jamal Murray sa kampanya ng Denver Nuggets sa darating na season.
Pumayag ang Clippers at Jazz sa isang sign-and-trade deal na magdadala kay Los Angeles point guard Russell Westbrook sa Denver.
Malaki ang magiging kontribusyon ng 35-anyos na veteran playmaker kina Jokic at Murray.
“I think we need some help in the backcourt,” sabi ni Nuggets general manager Calvin Booth sa pagdating ni Westbrook.
Nakuha ng Clippers si guard Kris Dunn na bahagi ng sign-and-trade deal.
Nagkasundo ang Clippers at si Dunn sa isang three-year, $17 million contract na may isang non-guaranteed season sa third year.
Tinanggap naman ng Utah ang isang 2030 second-round pick swap, ang draft rights kay center Balsa Koprivica, ang 57th pick sa 2021 NBA draft, at $4.3 million cash.
Wala na rin sa Clippers si Paul George na lumipat sa Philadelphia 76ers.