^

PSN Palaro

San Miguel, Meralco isasabak ng PBA sa EASL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
San Miguel, Meralco isasabak ng PBA sa EASL
Kakampanya ang Beermern at Bolts sa second edi­­tion ng EASL home-and-away season na magsi­si­mula sa Oktubre.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ang San Miguel at Me­ralco ang isasabak ng PBA para sa darating na 2024-25 East Asia Super League (EASL) season.

Kakampanya ang Beermern at Bolts sa second edi­­tion ng EASL home-and-away season na magsi­si­mula sa Oktubre.

Pinagharian ng San Mi­­guel ang import-laden Commissioner’s Cup, habang nagkampeon ang Me­ralco sa Philippine Cup para sa kanilang kauna-unahang PBA crown.

Magbabalik ang Beermen sa regional league ma­­tapos lumahok sa 2023 Champions Week.

Ito rin ang ikalawang pag­kakataon na maglalaro ang Bolts matapos suma­bak sa first edition ng home-and-away season kasama ang TNT Tropang Giga.

Makakasama ng San Mi­guel sa Group A ang Ja­pan B.League champion Hiroshima Dragonflies, Korean Basketball League (KBL) runners-up Suwon KT Sonicboom at P. League+ runners-up Taoyuan Pauian Pilots.

Nasa Group B naman ang Meralco kasama ang KBL champions Busan KCC Egis, P. League+ counterparts New Taipei Kings at Japan B.League runners-up Ryukyu Golden Kings.

Samantala, lalahok ang mga foreign teams na Hong Kong Eastern at Singapore Slingers sa PBA Commissioner’s Cup na na­katakda sa Nobyembre o Disyembre.

Magsisimula ang PBA Season 49 Governors’ Cup sa Agosto 18 at inaa­sa­hang magtatapos sa Nob­yembre 10.

Magbibigay-daan ang PBA para sa FIBA Asia Cup qualifying window sa Nobyembre 18-26 kung saan sasalang ang Gilas Pi­l­ipinas.

EASL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with