^

PSN Palaro

PBA imports nagdadatingan na

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA imports nagdadatingan na
Justin Brownlee
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagsimula nang dumating sa Pilipinas ang mga imports ng 12 teams na sasabak sa Season 49 PBA Governors’ Cup sa Agosto 18.

Inaasahang si resident import Justin Brownlee ang muling kukunin ng Barangay Ginebra habang plano ng TNT Tropang Giga na ibalik si Rondae Hollis-Jefferson para sa kanilang pagdedepensa sa korona.

Kasalukuyang naglalaro ang dating NBA player na si Hollis-Jefferson sa Puerto Rico, samantalang umuwi sa US si Brownlee matapos tulungan ang Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia.

Ang height limit para sa mga imports sa season-opening conference ay 6-foot-6.

Kinuha ng Rain or Shine si balik-import A­aron Fuller na naglaro para kay coach Yeng Guiao sa NLEX noong 2017 hanggang 2018.

Matapos sa Road Warriors ay naglaro ang 6’6 na si Fuller para sa Blackwater Bossing noong 2019 at sa Tropang Giga noong 2022.

Nasa bansa na si da­ting NBA player Ricky Ledo para kumampanya sa Blackwater ni coach Jeffrey Cariaso.

Ipapatupad sa 2024 PBA Governors’ Cup ang bagong format kung saan hahatiin sa dalawang grupo ang 12 koponan. (

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with