^

PSN Palaro

Incentives ni Yulo umabot na sa P113 milyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Incentives ni Yulo umabot na sa P113 milyon
Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Lumobo pa sa P113 milyon ang insentibong natanggap ni gymnast Carlos Edriel Yulo na nakasikwat ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Maliban sa P20 mil­yon na natanggap nito na nakasaad sa Republic Act 10699 o mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, kaliwa’t ka­nan pa rin ang nagbibigay ng pabuya kay Yulo.

Sa batas, may P10 mil­yon ang atletang makasusungkit ng gintong medalya sa Olympic Games.

Umabot sa P100 mil­yon ang insentibo nang magbigay ang Senate of the Philippines ng P3 mil­yon.

Ngunit umangat pa ito sa P113 milyon nang ibi­gay na ni business tycoon Manny V. Panglinan ang karagdagang P10 milyon habang may P3 milyon pang ibinigay ang Bounty Fresh.

Kasama na rito ang condominium unit sa McKinley Hill na nagkakaha­laga ng P32 milyon.

May house and lot pa ito mula sa ibang pribadong kumpanya habang may dalawang brand new na kotse ito galing sa Toyota at Chery Tiggo.

Kaliwa’t kanan pa ang nagbibigay ng pabuya gaya ng unlimited buffet, libreng flights mula sa Phi­lippine Airlines at Cebu Pacific, at ilan pang libre mula sa mga kumpanya.

Kaya naman buhay na buhay na si Yulo hanggang sa magretiro ito.

Gayunpaman, walang balak tumigil si Yulo dahil desidido itong depensahan ang kanyang dalawang korona sa 2028 LA Olympics.

Sa katunayan, pakay ni Yulo na madagdagan pa ito partikular na sa men’s all-around at men’s parallel bars.

Naghari si Yulo sa men’s floor exercise at men’s vault sa Paris Games.

Malaki ang pasasalamat ni Yulo sa lahat ng su­muporta at tumulong sa kanya gayundin sa mga kumpanyang nagbahagi ng biyaya sa kanyang tagumpay.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta hindi lang sa akin maging sa lahat ng mga atletang Pilipino,” ani Yulo.

Nanatili namang mailap si Yulo sa usapin tungkol sa kanyang pamilya.

Nais ni Yulo na resolbahin ang mga isyu ng pribado kaya’t minabuti nitong huwag nang talakayin pa ang isyu. 

PARIS OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with