Dalawa ang goal ni Mark Nonoy oras na ma-draft siya mamaya sa PBA.
One, ipakita ang kanyang tikas sa loob ng court, and two, makabili ng kotse.
Lumaki sa Iloilo ang kaliweteng point-guard. Laki sa hirap at inamin na never sila nagkaroon ng family car.
Kaya kahit nung mapunta siya at makatikim ng championship with La Salle sa UAAP, namamasahe lang si Nonoy.
Nahiya daw siya mag-demand ng service car sa La Salle kahit ang iba niyang teammates ay meron.
Kaya papunta sa practice or actual games, taxi, Grab or Angkas ang gamit niya.
Sanay daw siya sumakay ng jeep at tricycle pero nung nasa La Salle na siya, medyo dyahe na mag-jeep dahil may nakakakilala sa kanya.
Kaya kadalasan, Angkas ang gamit dahil mas mura ito kesa taxi or Grab.
Elibs si La Salle coach Topex Robinson kay Nonoy dahil kahit namamasahe lang ito eh never na-late sa mga laro.
Sana ma-draft si Nonoy. Sa tingin ko naman, yakang yaka.
Simple lang ang pangarap ng tao: sariling kotse.