^

PSN Palaro

Gilas mapapalaban sa Taiwan

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas mapapalaban sa Taiwan
Tim Cone.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Sasabak sa unang hamon ang Gilas Pilipinas kontra sa Taiwan Mustangs sa isang friendly match bilang bahagi ng preperas­yon nito para sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia sa Hulyo 2 hanggang 7.

Nakatakda ang duwelo sa alas-6 ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig na magsisilbi ring sendoff ng Gilas bago lumipad pa-Latvia bukas.

Dito makikilatis ang unang bahagi ng pagha­handa ng Gilas buhat nang lumarga ang training camp noong nakaraang linggo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Bukod sa Taiwan ay ma­kakaharap din ng Gilas ang Poland at Turkey pagdating nila sa Europa.

Inaasahan ni head coach Tim Cone na mahu­hubog ng mg naturang tune-up games ang Gilas bago sumagupa sa Latvia at Georgia sa Group A ng OQT na daan patungo sa Paris Olympics.

Nasa Group B ng OQT ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Isa lang mula sa anim na teams ang makakapasok sa Paris tampok ang 12 pinakamagagaling na koponan sa mundo sa pangunguna ng qualified na France, gold medalist USA, World Cup champion Germany, Canada, Japan, South Sudan, Australia at Serbia.

Babandera sa tune-up game ng Gilas si natura­lized player Justin Brownlee kasama ang iba pang PBA stars na sina Chris Newsome, June Mar Fajardo, CJ Perez, Calvin Oftana at Japeth Aguilar.

Swak din dito ang overseas imports na sina Dwight Ramos, Kai Sotto at Carl Tamayo pati na ang UAAP stars na sina Kevin Quiambao at Mason Amos. Sina Aguilar at Ramos ang pumalit sa injured players na sina Jamie Malonzo (calf) at AJ Edu (knee).

Umiinda rin ng back injury si Scottie Thompson kaya 11 players lang muna ang Gilas ngayon bagama’t sumasali sa training camp si Roger Pogoy ay malabo rin itong makasama sa dahil hindi na aabot sa visa pa-Latvia.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with