^

PSN Palaro

Kami naman!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May bagong champion sa PBA — ang Meralco Bolts.

Yes, dehado ang nanalo ng Philippine Cup kontra San Miguel Beer, ang dating kampeon.

Bagama’t champion sila sa old MICAA noong 1971, first title ito ng Meralco since sumali sila sa PBA noong  2010. Si Noynoy Aquino pa yata ang presidente natin noon.

Yes, 14 years naghintay ang Meralco bago makatikim ng panalo sa PBA. Kaya very happy ang big boss na si Manny V. Pangilinan sa panalo.

Ganun din kasaya ang mga original Meralco boys like Raymond Almazan, Cliff Hodge and Anjo Caram na Meralco all the way ang PBA careers. Natural, solid din ang nilaro ni Chris Newsome, Alein Maliksi, Chris Banchero and rookie Brandon Bates.

Madaming humanga sa Meralco dahil alam natin na mahirap talunin ang San Miguel sa All-Filipino. Di bale kung may import, pero sa all-Pinoy, heavyweight talaga ang SMB.

Senyales na ba ito na talagang beatable na ang SMB dahil tumatanda na sila June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross?

Ang sabi ng iba, yes.

Sa celebration ng Meralco, sumali ang fans nila. Pero iba ang sigaw ng iba: mag rollback daw sa presyo ng kuryente.

May isang nag-congratulate pero kasama sa post ang litrato ng Meralco bill sa bahay.

Manalig ka!

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with