Yulo tututok na sa Paris Olympics

MANILA, Philippines — Sesentro na ang a­tensiyon ni world champion Carlos Edriel Yulo sa preparasyon nito para sa mas malaking laban na haharapin nito — ang Paris Olympics.

Sariwa pa si Yulo sa ma­tagumpay na pagkopo ng apat na gintong medalya sa 2024 Asian Championships Men’s Artistic Gymnastics sa Tashkent, Uzbe­kistan.

Sa kabila ng maning­ning na kampanya sa Asian meet, walang balak tumigil si Yulo sa ensayo.

Kaya naman mas ma­giging matindi ang pag­hahanda nito upang magkaroon ng magandang resulta ang kanyang ikalawang Olympic stint.

“I am looking forward to continuing to work hard, push myself to new limits and see how far more we can achieve. I am so blessed and thankful for this moment,” ani Yulo.

Humakot si Yulo ng apat na ginto sa Asian Championships matapos pagharian ang men’s individual all-around, vault, pa­rallel bars at ang kanyang paboritong floor exercise.

Mas matitinding pasabog pa ang inihahanda ni Yulo para sa Paris Olympics dahil mga world-class gymnasts ang makakalaban nito doon.

Nakatakdang magsa­nay si Yulo ng isang buwan sa Metz, France para magamay nito ang equipment na gagamitin sa Paris Games.

Show comments