^

PSN Palaro

Creamline reresbak sa Choco Mucho sa finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline reresbak sa Choco Mucho sa finals
Risa Sato at Maddie Madayag

MANILA, Philippines — May hugot na paghihiganti ang nagdedepensang Creamline sa sister team Choco Mucho sa kanilang banggaan sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence Finals.

Pinadapa ng Flying Titans ang Cool Sma­shers, 13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16, sa pagsisi­mula ng single-round robin semifinals na tumapos sa kanilang 0-12 head-to-head record.

“So, I think iyon ang maganda sa amin, na hindi dahil champion kami noong nakaraang season, ine-expect namin na magiging maganda ang season namin,” wika ni star spiker Tots Carlos sa defending champions.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay magtutuos ang Creamline at Choco Mucho sa PVL AFC best-of-three cham­pionship se­ries matapos noong Disyembre ng 2023 na pinagreynahan ng tropa ni coach Sherwin Me­neses.

“Hindi pa tapos ang trabaho, the goal is to claim the crown. Hindi kami nasa-satisfy sa season kasi hindi pa namin natatapos ang championship, bawal pa rin mag-relax,” ani Cool Smashers star Jema Galanza.

Kinumpleto ng Flying Titans ang 3-0 sweep sa semis mula sa 23-25, 26-24, 25-19, 25-20 pagtakas sa Petro Gazz Angels.

Kumpiyansa si Me­neses na ang Creamline pa rin ang magrereyna sa torneo kontra sa Choco Mucho ni mentor Dante Alinsunurin.

Bukod sa patuloy na pagdomina sa PVL  All-Fi­lipino Conference ay target din ng Cool Smashers ang pang-walong korona.

Handang-handa naman ang Flying Titans na hubaran ng titulo ang ka­nilang utol.

“Siyempre, iba ang galaw at maglaro ang Creamline. But itutuloy namin kung ano iyong ginagawa namin at pagtitiyagaan namin ito hanggang dulo, para sa mga fans,” sabi ni Flying Titans star Sisi Rondina.

Nakatakda ang Game One sa Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with