T-Wolves angat sa Nuggets sa Game 1
DENVER -- Kaagad inangkin ng Minnesota Timberwolves ang 1-0 lead matapos gibain ang nagdedepensang Nuggets, 106-99, sa Game One ng Western Conference semifinals series.
Nagbagsak si Anthony Edwards ng playoff career-high at franchise postseason-record 43 points para sa Minnesota habang umiskor si Naz Reid ng 14 sa kanyang 16 points sa fourth quarter.
“When (Edwards) draws three people, he makes the right play all the time,” sabi ni Reid sa 22-anyos nilang superstar. “I’ve seen him grow from Day 1 to where he is — a superstar in the making, if he’s not now.”
Nag-ambag si Karl-Anthony Towns ng 20 points bagama’t nalagay sa foul trouble.
Ang Denver pa rin ang hahawak sa Game Two bukas.
Kumolekta si two-time NBA MVP Nikola Jokic ng 32 points, 8 rebounds at 9 assists sa panig ng Nuggets at may 17 markers si Jamal Murray na hindi nakaiskor sa first half.
- Latest