Paris Olympics spot abot-kamay na ni Esteban
MANILA, Philippines — Abot-kamay na ni Filipino-Ivorian fencer Maxine Esteban ang pagkakataong masilayan sa aksyon sa Paris Olympics.
Nakatakdang sumalang si Esteban sa final Olympic-qualifying tournament sa Washington DC sa Amerika sa Marso 15.
Ito ay upang ipormalisa ang pagpasok ni Esteban sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.
Sa kasalukuyan, nangunguna si Esteban sa karera para sa awtomatikong puwesto sa Paris Games mula sa African continental zone.
Si Esteban din ang second-ranked Asian sa female foil athletes sa Olympic qualification ranking.
Subalit nagpalit na si Esteban ng federation kung saan dala na nito ang bansang Ivory Coast sa mga international tournaments.
“I will continue to work hard and hopefully take back my dream that people tried to take away from me,” ani Esteban na eight-time Philippine champion at multi-World Cup medalist.
Kung magiging maganda ang laro ni Eateban sa Washington qualifier ay awtomatiko itong mabibiyayaan ng Olympic berth at hindi na nito kakailanganin pang dumaan sa wild card tournament.
“That’s why I really worked extra hard this past year. I want to repay Côte d’Ivoire for giving me not just a home but a shot to retake the things I worked so hard for that they tried to tear away from me,” ani Esteban.
Kasalukuyang ranked No. 37 sa world ranking si Esteban.
- Latest