^

PSN Palaro

Guilty ba?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Innocent until proven guilty.

Ganyan ang batas, meaning walang sintensya bago mapatunayan na nagkasala ka.

Pero nauna yata ang hatol ng MPBL sa 47 players at officials na pinaghihinalaan ng liga na involved sa game-fixing.

Sinibak sila at hinatulan ng ban. Ewan ko lang kung gaano katagal ang ban. Life sentence ba ito?

Kaso, dehins pa naman sila found guilty.

Ang nangyari eh para silang kinandado sa selda bago pa simulan ang imbestigasyon.

Kaya ang balita, may ilan sa mga nahatulan ang umalma at gusto magsampa ng kaso laban sa liga.

Especially if wala ka naman talagang kinalaman sa game-fixing eh malaki ang panalo mo sa kaso.

Nagkaroon ng Senate hearing this week at doon minungkahi ng mga senador gaya ni Bong Go, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Mark Villar, Raffy Tulfo at Lito Lapid na bigatan pa ang parusa sa mga game-fixers.

Dehins lang sa MPBL.

May suggestion pa na hatulan ng jail term or P50 million fine ang mga nagkasala. Tama ba ang dinig ko sa halaga?

Matagal na ang issue ng game-fixing dito sa atin. Panahon pa ng MICAA up to the PBA noong 1970s.

Maraming suspects. Pero walang nakulong.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with