^

PSN Palaro

Fil-Am tracksters bigo sa Olympic berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo sina Fil-Americans Lauren Hoffman, Kristina Knott at Eric Cray na ma­ku­ha ang qualifying standard para sa 2024 Paris Olympic Games.

Nagsumite si Hoffman ng bilis na 55.92 segund para pagreynahan ang wo­men’s 400 meters sa 2024 Philippine Athletics Championships sa Philsports Track and Field Oval sa Pasig City.

Ngunit kapos ito sa Olympic qualifying standard na 54.85 segundo.

Tumipa naman si Knott ng 11.27 segundo sa wo­men’s 100m, ngunit maba­gal sa qualifying time na 11.07 segundo.

Katulad nina Hoffman at Knott. minalas di si Cray na makuha ang Olympic standard time sa men’s 400m hurdles sa kanyang tiyempong 50.51 segundo.

Ang Olympic standard time ay 48.70 segundo.

Sa kabila ng mga kabiguan ay sasalang pa rin sina Hoffman, Knott at Cray sa mga international tournaments bago ang July 30 deadline.

Tanging si World No. 2 pole vaulter Ernest John Obiena pa lamang ang may tiket para sa Paris Games sa athletics.

Ang iba pang mayroon nang Olympic berth sa ka­nilang mga events ay sina gymnasts Caloy Yulo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar, boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas, fencer Samantha Catantan, weighlif­ters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza at ro­wer Joanie Delgaco.

LAUREN HOFFMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with