Manila Int’l Marathon bisita sa TOPS

MANILA, Philippines — Ang marathon ang tata­lakayin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa PSC Conference room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Dadalo sa pang alas-10:30 ng umagang prog­rama sina Manila Marathon LLC president at Race Director Dino Jose at MIL founding Secretary-Ge­neral at Adviser Red Dumuk na hihimay sa paghahanda at programa para sa pinakamalaking marathon event ngayong taon.

Inaasahang lalahukan ng pinakamatitikas na local at foreign marathoners ang torneo na isa sa itinuturing na institusyon sa sports at naging daan para sa pagyabong ng athletics career ng mga premyadong atleta ng bansa tulad nina Eduardo Buenavista, Marestella Torres at Mary Joy Tabal.

Hinihikayat ni TOPS pre­sident Beth Repizo, ng editor ng PSNgayon ang mga mi­yembro at opisyal at mga sports enthusiasts na dumalo at makilahok sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine at mapapanood din via live streaming sa official Facebook page ng TOPS Usapang Sports, Bulgar Facebook page at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong mobile apps na libreng mada-download sa inyong mga mobile phone.

Show comments