Dwight Howard hanga sa Pinoy fans

MANILA, Philippines — Pinoy fans ang pangunahing dahilan kaya’t pumayag si dating NBA star Dwight Howard na maglaro sa Strong Group sa Dubai International Tournament.
Hanga si Howard sa pagmamahal ng mga Pilipino sa basketball kaya’t hindi ito nagdalawang-isip na tanggapin ang alok na maglaro para sa Strong Group.
“What made me say yes? At first I thought it was Jollibee, but now it’s just the fans,” wika ni Howard.
Ikinuwento pa ni Howard ang naging karanasan nito nang magtungo ito sa Thailand para sa bakasyon.
Ilang Pinoy fans ang nakakilala sa kanya na tunay na kinagiliwan nito.
“I went to Thailand on a visit last year, and I ran into a lot of Filipinos there who said I got to go back to the Philippines, ‘we love you.’ And I said you know what, I gotta come back. So when Dray called me and asked me, I told him, ‘Hey I’ll be free and make it possible,” ani Howard.
Personal na nasaksihan ni Howard ang pagmamahal ng mga Pilipino sa basketball nang dumating ito sa Maynila noong Linggo kasama si dating Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche.
Makakasama ni Howard sa kampanya sina Blatche, dating Oklahoma City Thunder player Andre Roberson at dating TNT import McKenzie Moore.
- Latest