Harden iniskor ang ika-25,000 career point

Sinagasaan ni James Harden ng Los Angeles Clippers ang humarang na si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa second period ngkanilang laro.
STAR/ File

LOS ANGELES - Iti­na­l­­a ni James Harden ang kanyang ika-25,000 ca­reer point matapos kuma­mada ng season-high 28 points, 15 assists at 7 rebounds sa 121-113 pag­gupo ng Clippers sa Gol­den State Warriors.

Si Harden ang naging ika-24 player sa NBA history na naglista ng 25,000 points matapos ang kanyang driving layup sa dulo ng third period.

Nagdagdag si Kawhi Leo­nard ng 27 points at 8 re­bounds para sa ikaanim na sunod na arangkada ng Los Angeles (14-10).

Tumipa si Norman Po­well ng 10 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para saluhin ang naiwang trabaho ni Paul George (left hip injury).

Nagpasabog si Klay Thompson ng season-high 30 while kasama ang wa­long three-pointers sa panig ng Golden State (10-14).

May 17 markers si Stephen Curry mula sa masa­mang 5-of-17 field goal sho­oting.

Sa Sacramento, humataw si De’Aaron Fox ng 41 points para pamunuan ang Kings (14-9) sa 128-123 pa­nalo kay Shai Gilgeous-Alexander at sa Oklahoma City Thunder (15-8).

Sa Denver, hinirang si Ni­kola Jokic bilang unang NBA player na naglista ng 10 triple-doubles sa pitong sunod na seasons sa 124-101 pagdaig ng nagdedepensang Nuggets (17-9) sa Brooklyn Nets (13-11).

Sa Dallas, nagtala si Naz Reid ng season-high 27 points at nagsumite si Karl-Anthony Towns ng 21 points at season-high 17 rebounds sa 119-101 pag­kagat ng Minnesota Tim­berwolves (18-5) kay Lu­ka Doncic at sa Mave­ricks (15-9).

Show comments