MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng F2 Logistics ang pagbuwag sa kanilang professional volleyball team matapos ang walong taon.
“Time has not been good to us. A number of injuries to our players forced us to take slower steps, prioritizing health over victories in the past few years,” pahayag ng Cargo Movers management sa isang statement.
Nagwagi ang F2 Logistics ng anim na kampeonato, apat na runner-up finishes at tatlong bronze medals sa domestic at international club competitions sa ilalim nina coaches Rose Molit-Prochina (2016), Ramil de Jesus (2016 to 2021), Benson Bocboc (2022) at Regine Diego (2023).
“We give our utmost thanks to the coaching staff who have fought and tried to make this team stronger. We would most like to thank Coach Ramil, for continuously heading the team,” sabi ng koponan.
Sibak ang Cargo Movers sa ilalim ni Diego sa kasalukuyang Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference.
Sa pagkawala ng kanilang pro squad ay tututukan ng F2 Logistics ang pagtulong sa mga collegiate teams ng De La Salle at University of Perpetual Help System DALTA.
Kabilang sa mga kamador ng F2 Logistics ay sina Aby Maraño, Kim Fajardo, Kianna Dy, Kalei Mau, Ara Galang at Dawn Macandili.