^

PSN Palaro

Eya laro pa rin kahit may sakit

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eya laro pa rin kahit may sakit
Eya Laure
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kahit may sakit, buma­nat pa rin si outside hitter Eya Laure upang makatulong sa kampan­ya ng Chery Tiggo sa semis game nito laban sa defending champion Creamline sa 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference.

Subalit bigo pa rin ang Crossovers na ma­kuha ang panalo matapos yumuko sa Cool Smashers sa, 0-2, sa best-of-3 semifinal series sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“I still played because we’re talking about a chance to enter the finals. Is there a player in the world who doesn’t want to make the finals? I also miss the feeling of being able to play on that stage,” ani Laure.

Nagpasya si Laure na maglaro pa rin dahil ayaw nitong magkaroon ng pagsisisi sa bandang huli.

“I also doesn’t want to end up with the regret that ‘what could have I contri­buted had I fought on despite what I’ve been feeling?” ani Laure.

Nagkasya lamang si Laure sa limang puntos kontra sa Cool Smashers — malayo sa kanyang mga double-digit outputs sa mga nakalipas na laro.

Dahil dito, nahulog ang Chery Tiggo sa battle-for-third kung saan makakaharap nito ang matatalo sa pagitan ng Choco Mucho at Cignal sa hiwalay na semis series.

Sa ngayon, nais muna ni Laure na gumaling at mabilis na makarekober upang mapaghandaan ang battle-for-third match.

Desidido si Laure na makatulong upang makuha ng Crossovers ang third-place trophy.

“I’m going to focus on recovery first. I feel heavy but I’m doing everything to refuel my body. Good thing that the coaches are there to remind me like ‘you have to eat well, take care of yourself, and give it time to recover’,” ani Laure. 

EYA LAURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with