MANILA, Philippines — Humakot si Jason Perkins ng 23 points, 8 rebounds ast 4 assists para akayin ang Phoenix sa 111-106 pagbasag sa Blackwater sa Season 48 PBA missioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagdagdag si import Jonathan Williams ng 21 markers, 12 boards, 8 assists at 2 steals para sa 3-1 kartada ng Fuel Masters.
Umiskor si RJ Jazul ng 19 points tampok ang apat na triples, habang may 14, 13 at 10 markers sina rookie Richie Rivero, Jayvee Mocon at Tyler Tio, ayon sa pagkakasunod.
Nalasap ng Bossing ang ikatlong kabiguan sa apat na laban at nakahugot kay import Chris Ortiz ng 35 points, 13 rebounds at 7 assists.
Naging balikatan ang upakan ng dalawang koponan hanggang itayo ng Phoenix ang 107-99 mula sa drive ni Rivero sa huling 1:43 minuto ng fourth period.
Ang dalawang free throws ni Mocon sa natitirang 12 segundo ang nag-iwan sa Blackwater sa 111-103 para sa final score.
Samantala, magtutuos ang San Miguel at Converge ngayong alas-6:15 ng gabi sa Tiaong Convention Center sa Tiaong, Quezon.
Nagmula ang Beermen sa 93-83 pagpapatumba sa Meralco Bolts para sa 1-1 baraha.
May 0-3 kartada naman ang FiberXers at naghahanap ng unang panalo.
Yumukod sila sa Bossing, 103-84, sa TNT Tropang Giga, 101-98, at sa Ginebra Kings, 100-86.