Taipan wagi sa Demigod sa PSL President’s Cup

MANILA, Philippines — Sumandal ang Toda Ak­syon Bulacan Taipan ki­na Francisco Tancioco at Jonas Tibayan sa 71-66 paggiba sa Demigod Shawarma Shack sa Pilipinas Super League President’s Cup sa Central Recrea­tio­nal and Fitness Center.

Kumamada sina Tan­cioco at Tibayan ng pi­nagsamanag 27 points pa­ra sa unang panalo ng Bu­lacan Taipan.

Pinamunuan ni Teytey Teo­doro ang Demigod Sha­warma Shack sa kanyang 21 points tampok ang pitong three-point shots.

Samantala, pinadapa ng Alpha Omega ang Novaliches, 68-66.

Humakot si dating PBA big man John Gabriel ng 16 points at 10 rebounds pa­ra sa ikalawang sunod na panalo ng Alpha Omega ka­gaya ng baraha ng Manila.

Show comments