NU sasagupa sa UST sa 2nd round ng SSL Pre-Season Championships

Alyssa Solomon .
UAAP

MANILA, Philippines — Magbabalik-aksyon ang 2023 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship tampok ang bakbakan ng anim na koponan sa Ri­zal Memorial Coliseum sa Manila.

Magtutuos ang Far Eastern University at Adam­son University nga­yong alas-11 ng umaga ka­­sunod ang banggaan ng Arellano University at Ate­neo de Manila University sa alas-2 ng hapon.

Masisilayan din ang duwelo ng defending champion National University at University of Santo Tomas sa alas-5 ng hapon.

Inaabangan ang salpukan ng Lady Bulldogs at Golden Tigresses na dala­wa sa paborito sa torneo.

Karamihan sa mga mi­yembro ng NU ay bahagi ng national team na sumabak sa mga internatoonal competitions.

Nangunguna na sa lis­tahan si dating UAAP Rookie-MVP Bella Belen at si opposite spiker Alyssa Solomon na itinanghal na Best Opposite Spiker sa se­cond leg ng Southeas Asian V.League sa Chiang Mai, Thailand.

Aasahan din sina outside hitter Vangie Alinsug, middle blockers Erin Pangi­linan at Minierva Maaya at playmaker Cams Lamina.

Ilalabas naman ng Gol­den Tigresses ang lahat ng pangil nito upang pigilan ang Lady Bulldogs.

Ibabandera ng Golden Tigresses si super rookie Angeline Poyos katuwang sina Kyla Cordora at Regi­na Jurado.

Show comments