^

PSN Palaro

Coo sinagip ang Pinas sa ASIAD

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Coo sinagip ang Pinas sa ASIAD
Ipinakita ni Pinoy BMX rider Patrick Coo (kanan) ang kanyang bronze medal sa 19th Asian Games katabi si teammate Daniel Caluag.
PSC-POC media pool

MANILA, Philippines — Nagsingit ng bronze medal si BMX racer Patrick Coo para hindi mabokya ang kampanya ng Team Philippines sa 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.

Pumangatlo ang 21-anyos na si Coo kina gold medalist Asuma Nakai ng Japan at silver medal winner at Southeast Asian Games champion Komet Sukpraset ng Thailand sa men’s BMX racing finals.

Tumapos sa sixth place si 2014 Incheon Asiad winner Daniel Caluag.

Sa athletics, lumundag si Janry Ubas ng 7.80 meters para sa pang-pitong posisyon sa men’s long jump finals ng athletics competition.

Sa qualification phase ay nagtala siya ng 7.79 meters para makasama sa top 12 sa finals.

May inaasahan pang medalya sa athletics matapos umabante sa finals si Fil-Am sprinter Kristina Knott sa women’s 200-meter at si John Tolentino sa men’s 110m hurdles.

Samantala, lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Qatar para sa quarterfinals ticket sa men’s basketball nga­yong alas-4 ng hapon.

Minalas ang Nationals na makuha ang automatic quarterfinals berth nang yumukod sa Jordan ni TNT Tropang Giga import Rondae Hollis-Jefferson, 62-87, noong Sabado.

Sibak naman ang Gilas U23 team sa South Korea, 16-19, sa quarterfinals ng men’s 3x3 event.

Pang-apat si Pinoy weightlifter John Febuar Ceniza sa men’s 61kg mula sa kanyang total lift na 297kg.

Sa women’s football, talo ang Filipinas sa Japan, 1-8, sa quarterfinals.

Ito ang unang pagkakataon matapos ang 65 taon na may isang Phi­lippine football team na nakapasok sa quarterfinals ng Asian Games.

Sa men’s baseball, nasupalpal ang mga Pinoy batters sa Japan squad, 0-6, sa second stage.

Minalas din ang mga national golfers nang pumuwesto si Clyde Mondilla sa 10th place sa men’s individual at si Rianne Malixi sa 11th spot sa women’s class.

BMX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with