Anak ni Samboy nagtumba ng gold sa karate

Karateka Jamie Lim na kumana rin ng ginto.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Matapos ang bronze medal-finish sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon ay muling nakamit ni karateka Jamie Christine Lim ang gold medal sa 32nd Southeast Asian Games kahapon sa Cambodia.

Tinalo ng anak ni PBA legend Samboy Lim si hometown bet Chakriya Vann, 3-1, sa women’s -61kg kumite finals para sa kanyang ikalawang SEA Games gold.

Ito ang ikaapat na medalya ni Lim sa biennial meet matapos kunin ang ginto noong 2019 Manila edition at dalawang tanso sa Hanoi noong 2022.

Ang nasabing dala­wang tanso ni Lim ay mula sa women’s -61kg at sa team event.

Nauna nang inangkin ni Sakura Alforte ang gold medal sa women’s individual kata.

Nagdagdag si John Matthew Manantan ng silver sa men’s -67kg kumite matapos matalo kay Virak Bouth Chrun ng Cambodia sa finals.

Nakuntento naman si Fil-Japanese Junna Tsukii sa silver sa women’s kumite -50kg.

Show comments