^

PSN Palaro

Ancajas kumuha ng conditioning coach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang premyadong strength and conditioning coach ang kasalukuyang tumutulong kay dating Pinoy world champion Jerwin Ancaja sa training camp sa US.

Kinuha ng kampo ni Ancajas si Mexican conditio­ning coach Angel “Memo” Heredia bilang preparasyon sa pagsabak ng tubong Panabo, Davao del Norte sa mas mabigat na bantamweight division.

Isa sa mga hinawakan ni Heredia ay sina Me­xican boxing legend Juan Manuel Marquez na natulungan ni­ya sa pagpabagsak kay world eight-division champion Manny Pacquiao noong 2012.

Halos dalawang linggo nang magkasama sa gym sina Ancajas at Heredia.

Nagdesisyon ang 31-anyos na si Ancajas na umakyat sa mas mabigat na bantamweight class matapos matalo ng dalawang sunod na beses kay Fernando Martinez ng Argentina.

Siyam na ulit na nadepensahan ni Ancajas ang kan­yang hawak na International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown.

Huling nanalo si Ancajas noong Abril 10, 2021 bago minalas kay Martinez sa kanilang dalawang sunod na bakbakan noong Pebrero at Oktubre ng nakaraang taon.

vuukle comment

ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with