Blackwater aasahan ang formula ni Cariaso

Jeffrey Cariaso
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang three-year contract ang nilagdaan ni dating PBA star Jeffrey Cariaso para mandohan ang Blackwater.

Dadalhin ng 50-anyos na si Cariaso, pinalitan si Ariel Vanguardia, sa bench ng Bossing ang kanyang mga assistants na sina Joe Silva at dating player Mike Cortez.

Ang Blackwater ang ikatlong PBA team na hahawakan ni Cariaso matapos ang Alaska at Converge.

Kulelat ang Bossing sa kasalukuyang 2023 PBA Governors’ Cup matapos magposte ng mahinang 1-10 record.

Nauna nang umabante ang Blackwater sa quarterfinals ng nakaraang Philippine Cup bago maagang nasibak sa Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.

Muling makakasama ng eight-time PBA champion player na si Cariaso sa kampo ng Bossing ang kanyang mga dating players na sina RK Ilagan, Mike DiGregorio, Yousef Taha, Gab Banal, Rey Publico at JVee Casio.

Show comments