^

PSN Palaro

Daluz, 4 pa hataw ng 3 ginto sa COPA swim meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Daluz, 4 pa hataw ng 3 ginto sa COPA swim meet
Si Clevic George Daluz (gitna) kasama ang kanyang coach (kailwa) at nanay sa awarding ceremony.

MANILA, Philippines — Tig-tatlong gold medals ang nilangoy nina Clevic George Daluz, Marcus Pablo, John Rey Lee, Samantha Mia Mendoza at Jamie Aica Summer Sy para tanghaling Most Outstanding Swimmers (MOS) sa pagtatapos ng COPA-Golden Goggle Leg 1 at 2 kahapon sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Center (RMSC) sa Malate, Manila.

Nanguna ang tubong Batangas na si Daluz sa boys’ 8-yrs class 50-m backstroke (51.03), 100-m breaststroke (2:01.11) at 200-m freestyle (3:36.78) sa opening day noong Sabado sa event na suportado ng Speedo, Philippine Sports Commission at MILO.

Nanguna naman si Pablo sa boys’ 7-yrs-class 200-m freestyle (4:14.17), 50-m back (1:00.01) at 100-m breast (2:14.28); habang bumandera si Lee sa 9-yrs old 100-m breast (2:10.26), 50-m back (52.33) at 200-m free (3:17.50).

Humataw si Mendoza sa girls’ 8-yrs. class 100-m breast (2:13.77); 50-m breast (55.29) at 200-m free (3:23.73) at bumida si Sy sa girls’ 12-yrs 100-m breast (1:41.87), 50-m back (38.68) at 200-m free (2:43.10).

Pasok na sila para sa Luzon Championship sa Agosto kung saan makakatapat nila ang mga top swimmers ng Visayas at Mindanao Regional Championship ng torneo na inor­ganisa ng Congress of Phi­­lippine Aquatics, Inc. (COPA) sa pamumuno ni swimming icon at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

Magpapatuloy ang Leg 3 at 4 ng torneo sa Abril 22-23.

MOST OUTSTANDING SWIMMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with