16-game winning run ng Bucks tinapos ng 76ers
MILWAUKEE — Kumonekta si star center Joel Embiid ng isang go-ahead three-point shot sa huling 41.4 segundo sa 133-130 pag-eskapo ng Philadelphia 76ers sa Bucks.
Tumapos si Embiid na may 31 points, 10 assists at 6 rebounds habang may 38 markers, 10 assists at 9 boards si James Harden at nagdagdag si Tyrese Maxey ng 26 points.
Bumangon ang Philadelphia (41-22) mula sa isang 18-point deficit sa dulo ng third quarter para wakasan ang 16-game winning streak ng Milwaukee (45-18).
Humataw si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at 13 rebounds para pangunahan ang Bucks na umiskor lamang ng 31 points sa fourth period kumpara sa 48 markers ng 76ers.
Sa Miami, naglatag si Bam Adebayo ng 30 points para sa 117-109 paggiba ng Heat (34-31) sa Atlanta Hawks (32-32).
Sa Cleveland, naglista si Darius Garland ng 21 points kasunod ang 20 markers ni Donovan Mitchell sa 114-90 panalo ng Cavaliers (40-26) sa Detroit Pistons (15-49).
Sa Sacramento, kumamada si Anthony Edwards ng 27 points para pamunuan ang Minnesota Timberwolves (34-32) sa 138-134 pagtakas sa Kings (37-26).
Sa San Antonio, dinuplika ni Tari Eason ang kanyang season high na 20 points sa 122-110 pagdaig ng Houston Rockets (14-49) sa Spurs (16-48).
- Latest