^

PSN Palaro

Institusyonalisasyon ng PNG oks sa Commission of Appropriation

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Institusyonalisasyon ng PNG oks sa Commission of Appropriation
Batangas 1st District Rep. at vice-chairman ng House Committee on Youth and Sports Development Eric Buhain.

MANILA, Philippines — Lumakas ang tsansa ng Philippine National Games (PNG) na maging isang batas matapos matapos irekomenda sa Commission of Appropriation (CA) ang panukalang P200 milyong budget.

Layunin ng pinagsama-samang House Bills na ma-institutionalize ang PNG na magiging qualifying tournament ng mga National Sports Association (NSAs) sa pagpili ng mga atleta.

“Ako po ang naatasan ng ating House chairman on Youth and Sports Cong. Michael Dy na sponsoran iyong House Bills sa Committee on Appropriation and I’m happy to announce na nakapasa na po ito,” ani Batangas 1st District Representative at vice-chairman ng House Committee on Youth and Sports Development Eric Buhain. “Kailangan na lang itong pumasa sa third reading at iaakyat na namin sa Senado.”

Sinang-ayunan ng Department of Budget (DB) ang paglalaan ng pondo sa PNG bilang sentro ng pambansang kompetisyon sa palakasan.

“Napakaimportante nitong PNG. Ito talaga ang magiging showcase ng ating mga mahuhusay na atleta. Sariling version ng Olympics, lahat ng National Sports Association (NSAs) puwede nang isabay yung kani-kanilang national selection. Lahat puwedeng sumali,” sabi ng two-time Olympian at Southeast Asian Games swimming record holder.

Ang nasabing pondo ay isasama sa budget na natatanggap ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa General Appropriation (GA).

“Subsequently, doon namin ilalagay sa budget ng PSC sa GA. Multi-department ang involvement sa PNG dahil nandiyan ang AFP at DepEd among others,” dagdag ni Buhain.

Kumpiyansa ang dating PSC at GAB chairman na magiging batas ang PNG dahil may sariling version na rin sina Sen. Bong Go at dating Sen. Manny Pacquiao na nakabinbin sa Senado.

“Maraming supporter ang sports sa Senate, andyan din sina Senator Tol Tolentino, Migs Zubiri, Joel Villanueva and Sonny Angara, “pagtatapos ni Buhain.

Naunang napagdesisyunan ng Kongreso na pag-isahin ang mga inihaing panukalang batas na House Bills 934, 1954, 2986 at 4881 na nagtutulak na maging institusyon at maponduhan ang Philippine National Games.

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with