Giannis-less Bucks itinumba ang Raptors

Kinaliwa ni guard Jrue Holiday ng Bucks ang kanyang layup laban kay forward OG Anunoby ng Raptors.
STAR/ File

MILWAUKEE — Humataw si guard Jrue Holiday ng season-high na 37 points para pamunuan ang Giannis Antetokounmpo-less na Bucks sa 130-122 pagpapatumba sa Toronto Raptors.

Naglaro ang Milwaukee (29-16) na wala ang may injury na si Antetokounmpo (left knee soreness) sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Nagdagdag si Grayson Allen ng 25 points tampok ang apat sa kabuuan nilang 19 three-point shots at may 19 markers si center Brook Lopez

Pinamunuan ni guard Fred Van Vleet ang Toronto (20-25) sa kanyang 39 points.

Sa Denver, kumolekta si center Nikola Jokic ng 36 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-13 triple-double sa season at akayin ang Nuggets (31-13) sa 122-113 panalo sa Portland Trail Blazers (21-23).

Kumonekta ang two-time reigning NBA MVP ng magandang 13-of-14 field goal shooting para sa Wes­tern Conference-leading na Denver na nakahugot kina Michael Porter Jr. at Jamal Murray ng 23 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, humakot si center Joel Embiid ng 41 points para ihatid ang Philadelphia 76ers (28-16) sa 120-110 paglunod sa Clippers (23-23).

Sa San Antonio, naghulog si Keldon Johnson ng career-high na 36 points at 11 rebounds para tulungan ang Spurs (14-31) sa 106-98 paggiba sa Brooklyn Nets (27-16).

Show comments