SLP tutuklas ng mga bagong talento
MANILA, Philippines — Magiging abala ang Swim League Philippines (SLP) sa taong ito upang makatuklas ng mga bagong talentong isasabak sa mga international tournaments.
Darayo ang SLP sa iba’t ibang panig ng bansa upang magsagawa ng tornoeng magsisilbing qualifying event para sa dalawang malaking international events.
Unang aarangkada ang Mindanao Swim Series 1-Davao Del Sur Cup sa Enero 14 hanggang 15 sa Davao del Sur Sports Complex sa Digos City.
“We value our Mindanao swimmers. This will prove that they’re never forgotten and neglected by the SLP,” apahayag i SLP president Fred Ancheta.
Ang naturang two-day tournament ay pre-qualifying selection para sa Middle East Open na gaganapin sa Dubai, United Arab Emirates sa Hulyo.
Pinaghahandaan din ng SLP ang mga swimming tournaments sa Bangkok, Thailand at sa Summer World University Games.
“Ginawa natin na tayo na ang lumapit sa ating mga kapatid sa Mindanao para hindi na rin sila gumasta ng malaki kung magpupunta pa sila sa Manila para makasali sa pre-qualifying event para sa ating international team. Ganito rin ang gagawin namin sa mga kasama natin na nasa Visayas,” dagdag ni Ancheta.
Maaaring lumahok ang lahat ng swimmers na nagnanais magkuwalipika.
“Lahat puwedeng sumali. Kahit anong swimming club or organization ang affiliations, walang maiiwan. Ang purpose natin ay sports development kaya tayong magkaisa at hindi magkawatak-watak,” ani Ancheta.
Maliban sa Davao Del Sur Cup ay nakalinya rin ang Manila Swim Series 1 sa Enero 20 hanggang 21 sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Paco, Manila; Road to Universiade meet sa Antipolo City at Bataan Swim Cup sa Abucay, Bataan sa Enero 28.
- Latest