MANILA, Philippines — Matapos ang limang season ay nilisan na ni Olsen Racela ang Far Eastern University Tamaraws bilang head coach.
Ito ang inihayag kahapon ng Tamaraws sa ka-nilang Facebook post.
“Coach Olsen Racela is stepping down as Head Coach of the FEU Tamaraws Men’s Basketball Team. Coach Olsen led the team to four UAAP Final Four appearances in 5 seasons,” opisyal na pahayag ng FEU.
Si dating PBA guard Denok Miranda ang sinasabing papalit kay Racela sa bench ng koponan para sa Season 86.
Sinimulang hawakan ng dating PBA star guard na si Racela ang Tamaraws noong Season 80 hanggang sa Season 85 na pinagharian ng Ateneo Blue Eagles laban sa UP Fighting Maroons.
Naigiya ng 52-anyos na si Racela ang FEU sa Final Four, ngunit nabigo sa nakaraang season matapos ang 0-5 panimula.
Isinara ng Tamaraws ang Season 85 mula sa 77-62 paggupo sa University of Sto. Tomas Growling Tigers.
“We thank Coach Olsen for guiding our Tamaraws with class and for always instilling the proper values,” wika ng FEU sa nine-time PBA champion playmaker.