MANILA, Philippines — Bigo si Tokyo Olympic campaigner Elreen Ando na makakuha ng medalya sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.
Ito ay matapos siyang magkaroon ng left elbow injury nang tangkaing buhatin ang 227 kilograms sa una niyang pagsalang sa clean and jerk sa women’s 59 kgs. division.
Dahil dito ay tumapos ang 24-anyos na tubong Cebu City sa No. 7 mula sa kabuuang 11 kalahok.
Si Yenny Alvarez ng Colombia ang kumuha sa gold medal sa kanyang total lift na 234 kgs. mula sa 101 kgs. sa snatch at 133 kgs. sa clean and jerk.
Inangkjin ni Hsing-Chun Kuo ng Chinese-Taipei ang silver sa total lift na 232 kgs (102 kgs. at 232 kgs.) kasunod si Canadian Maude Charron na may 231 kgs. (103 kgs. at 128 kgs.) para sa bronze.
Nakatakda pang bumuhat sina reigning Asian at Southeast Asian champion Vanessa Sarno at Kristel Macrohon sa 71 kgs. class sa Martes.